HAPPY?
eto na ata ang pinakama-drama kong birthday. hehe. wala lang. nasa stage na din siguro ako ng buhay na kailangang kumilos para hindi mapag-iwanan.. grabe na ang sacrifices ko lately.. sana magbunga na din in time.. kumikilos naman ako eh. hindi nga lang mashadong sineswerte. pero ayos na din. mababaw lang naman ang mga problema ko. kailangan ko lang magtanggal ng konting luho sa buhay. minsan naglalakad ako sa buendia. nakita ko may mga mamang naghuhukay sa gilid ng bangketa. parang sa drainage or something. nagpupukpok sila. naghuhukay ng lupa. umaga, tanghali, gabi. ultimo madaling araw, na-witness ko na rin yun minsan. bigla kong naisip na mas-swerte pa ako sa ibang tao. biro mo sila, ginagawa yun para kumita ng pera. grabe noh? buti na lang ako hindi ganun. kaya imbes na humiling ng humiling, naappreciate ko bigla kung ano ang meron ako. nagpasalamat ako bigla sa mga blessings ko.
ayun. so feel ko lang talaga magdrama. bakit ba? pagbigyan niyo na lang ako. hehe. wag niyo ko mashadong seryosohin. masaya naman ako. maarte lang talaga ako. hehe. pero wala na talaga akong mahihiling pa sa pamilya ko. sa mga kaibigan ko. wala. mahal ko kayong lahat! naks!
share ko lang. nagpaburn ako ng KEANE sa isang friend ko. (mashado ka nang nababanggit sa mga blogs ko! pansin ko lang! kaya di muna kita babanggitin dito! hehehe!) yun album nilang Hopes and Fears. gusto ko lang i-share tong mga kantang to. papakinggan ko to hanggang mamayang mga alas-sinco ng umaga. hehe. (kasalukuyang 1:25a na.)
"Somewhere Only We Know"
I walked across an empty land
"Everybody's Changing"
You say you wander your own land
wala lang. medjo nakaka-relate lang. siguro ang pinaka-nagpa-spark ng drama mode ko ay yung nakita ni pia sa petron nlex a few hours ago... sana ako na lang ang nakakita? o buti na lang hindi ako yun nakakita? hindi ko din alam.
basta ang alam ko.. masaya ako. (maarte lang! hehe!) masaya ako! birthday ko eh! salamat sa mga nakaalala! Ü
3 Comments:
Hapi Bday!!!!
Belated!
salamats!
Post a Comment
<< Home