...boo...

Friday, February 04, 2005

DRAMACHINE

Yan ang title ng second album ng sugarfree. Nakakatuwa. Whoever came up with that word is a genius. hehe..

Dramachine.

I love that word. Ü
Uso lang ba ang drama ngayon kaya yun ang naisip nilang title o talagang nakakarelate lang talaga ako? Palagay ko nasa punto lang talga ako ng buhay ng isang tao na puno ng drama. Kung hindi man, pilit na nilalagyan ko lang ng drama ang buhay. Hindi ko alam.

Napapaligiran din kasi ako ng mga ma-dramang tao. Nang mauso ang blogsites, natuwa akong makita ang writer at softer sides ng iba kong mga kaibigan. Sa totoo lang ang nag-trigger din sa akin na magsulat ng ganitong article ay yung blog ni dadaydamakulay na The Sweetest ang pamagat. Nung minsan naisip ko na ding sumulat ng ganito kase napansin ko, kung sino pa yung mga kaibigan kong lalaki, sila pa tong dinaig ako sa drama! Tulad ni coulrophobic clown. sira ulo tong taong to kung kilala mo siya. Bibo. Mahirit. Maingay. Makulit. Nakakatawa. Clown – na takot sa clown. (pareho kame. Hehe!) kung mababaw ang pagkakakilala mo sa kanya hindi mo aakalaing siya ang nagmamay-ari ng blogsite na yun. Lalo naman si malikhaing pagsasablay. susmaryosep. siya ang pinaka-madramang lalaking nakilala ko sa talambuhay ko. promise. Siya ang aking dramachine. Pag nasa mood din akong magdrama, papakinggan ko lang siya. Paulit ulit kong sinasabi sa kanya na hindi ko kailangan ng token para paandarin ang human dramachine na ito. (token, hindi. Beer, oo! Hehe) Madramang nakakatuwa. At masmarami pa akong mga kaibigan na wala mang oras gumawa ng blogsites, pero napakaraming oras pa rin para magdrama. Ganun lang talaga siguro ang tao.

Uso lang ba ang drama ngayon o talagang nasa punto ako ng buhay na yun na ma-drama talaga? May theory ako eh. May panahon talagang ganito. Mid-20’s crisis ang tawag ko sa kanya. Nararamdaman ng yuppies na naghahanap na ng kabuluhan sa buhay. Masmadalas ang pagtanong ng ‘bakit?’. Nagtatrabaho. Kumikita ng pera. Pa-upgrade up-grade ng cellphone. Palaro-laro ng badminton o kaya pa-jog jog kuno pa sa gabi. At the end of the day, the mid-20’s crisis creeps up your system.. and suddenly you realize that you’re just an empty branded shoebox. Then what?

Wala.

Magse-set ka lang ng alarm for the next day kase may pasok ulit.

Dramachine na ito.

Kung tutuusin... kung titignan mo sa malayo.. kung titignan mo ng kabuuan.. kung titignan mo sa normal na paningin ng isang tao.. hindi madrama ang buhay ko. pero sa mga mata ko, I need to work on so many things in my life. I have my own battles to fight. Ang matindi dun, battles from within sila. Hindi ko alam kung sino ang gusto ko. hindi ko alam kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko. hindi ako handa sa mga unfortunate events na maaaring mangyari at naiinis ako dahil wala akong ginagawang paghahanda.

Hay. Tama na nga. Ayoko nang ituloy patong dramachine effect ko. baka hindi mo kayanin. Hehe.

4 Comments:

Blogger Gerard said...

hay. lahat naman madrama. iba ibang outlet lang. buti na lang may blog.

4:07 PM  
Blogger Marco said...

This comment has been removed by a blog administrator.

8:56 PM  
Blogger Marco said...

haha...hindi pa madrama ang buhay mo kung di ka pa makakabuo ng isang episode sa maala-ala mo kaya!

un mppaiyak mo mga nanonood...isipin mo? di ba?

pero paborito ko un KANDILA at KWARTO...hehe
lalo na UNANG ARAW sa unang album, naiiyak na ko cge...

9:19 PM  
Blogger dadaydamakulay said...

naku melay, sa `yo ko nga natutunan yang lungkot-lungkutan. kung alam mo lang ang ka dramahan ko lately, baka pagtawanan mo na ako. pansin mo ba pagka mushy ng blog ko ngayon hahaha. it's just a phase! nakakaloka rin maging sad.

3:41 AM  

Post a Comment

<< Home

Cursor by www.Soup-Faerie.Com