...boo...

Sunday, January 02, 2005

SANA MAY PAGBABAGO

Bagong taon na!

unang bagong taon namin na hindi kame nagpaputok. usually kase sa mall lang kame bumibili. pero nung december 2003, sa friend ko. eh nung 2004 (kala mo naman napakatagal na ng 2004! hehe!) mejo late na ako nakipag-negotiate sa friend ko kaya hindi na nai-deliver sa bahay. gumising ako ng earlier than the usual nung december 31 para sabihin sa tatay ko na bibili na lang ako ng paputok sa megamall. sabi niya wag na lang daw.

hmm. kakaiba. na-weirduhan ako. ngayon lang kase talaga kame hindi nagkaron ng paputok sa talambuhay ko. actually hindi sila mga paputok. mga serenity fountains ek-ek. mga lumilipad sa ere tas puputok tas makulay sha and all. basta mga ganun. mejo nanibago nga ako eh. pero naisip ko. "wow. bago 'to. wala kameng paputok. baka may bago ding mangyayare sakin ngayong 2005."

duh. tama bang i-relate ko ang buhay ko sa paputok?

wala lang. bagong taon eh. sana marami ding pagbabago sa buhay ko. ang drama ba? hindi naman. hehe. wala ngang drama ang buhay ko eh. hehe! sana magbago na din ako! hehe! hindi lang ako. pati buhay nating lahat. pati ang buong pilipinas. naks. hehe.

bagong taon na! sana may pagbabago!

excited na ako!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Cursor by www.Soup-Faerie.Com