...boo...

Thursday, November 18, 2004

BATO-BATO SA LANGIT (R-18)

Kagabe nagpunta kame sa handaan ni Karen tangkad. (happy birthday cuzinlo!!!). tapos bago kumain napag-usapan namin yun mga description sa mga tao. so eto.

First up. HIPON. tapon ulo, kain katawan. Una ko ‘tong narinig, grabe, naaisip ko napaka-rude talaga ng dating pag sinabihan ka nito. nabigla talaga ako. Pero at least daw, may kinain naman. Pero hindi ko pa rin inakalang may ganitong colloquial term. Actually, hindi nga sha colloquial saken e. a few months ago ko nga lang nalaman ‘to eh.

Akalain niyo, meron pa palang dalawa pang terms bukod sa hipon? Pero not as rude naman na.

CRAB. On the outside, nakakatakot ang crab. Kumbaga hindi pleasing ang physical pero pag binuksan mo, masarap sa loob. “Maganda daw ang kalooban”, as my friend put it. (haha. Natawa ako sa delivery niya.) masnatawa sila sa aken kase sabe ko, “baket?! Kase ulo lang ang kinakain?!” ooops.. hehe.. sorry! R-18!

CHICKEN. Pleasing ang labas, lahat ng parts kinakain. Legs, wings, ulo, pati laman loob. Sabi ng friend ko “sagad to the bones”. Wala ka daw maaangal. Akala ko naman dahil iba-ibang luto ang pwede.. hehe.. R-18 sabi eh!

So ayun. Bago kame umupo, may turbo broiled chicken at crispy pata sa dining table. Tinuro ng friend ko yun chicken, “gaya niyan. SAGAD TO THE BONES!” with a naughty smile on her face. E napatingin ako sa crispy pata.

Tinanong ko sha, “Sige nga. Eh ano ang CRISPY PATA?”

Sagot sha, “hindi ko alam. ano?”

Sabi ko, “ang crispy pata kase very deceiving. Masarap tignan. Masarap kainin. But it’s BAD FOR YOU.”

At lahat sila tumingin saken with a look na ‘hay.... there she goes again....’

Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magalit...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Cursor by www.Soup-Faerie.Com