DETOXIFICATION
Marahil ay lahat ng tao, sa isang bahagi ng kanilang buhay ay nakakaranas ng ganito. Nasa huli ang pagsisisi, ika nga nila. Kaya lang may mga bagay din talagang nanjan na. wala na tayong magagawa. Kahit bumaliktad ang mundo na maging shorts ang sinusuot na pang-itaas at t-shirt ang isinusuot na pambaba. Hindi mo pa rin mababago ang nangyari na. ang dali sana ng buhay kung ganun-ganun lang diba? Eh hinde. Hindi mo na pwedeng baguhin ang nakaraan, pero pwede mong isantabi sa pinakasulok ng iyong isipan. Kung saan hindi ka na mabubulabog nito at pwede mo nang harapin ang bawat araw nang wala ito. Naks! Ipagpalagay na natin na ang ating isipan ay isang bodega. Kumbaga sa bodega, sa pinakasulok at pinakamaalikabok mo ilagay itong mga bagay gusto mo nang isantabi sa buhay mo. Gaya ng mga bagay na nasa bodega, na hindi natin maitapon ang mga ito dahil na sa kanya-kanyang personal na rason. Ganyan din ang nakaraan. Hindi ito tinatapon. Isinasantabi lang.
Paano? Napakagandang tanong. Para maisantabi ang mga hindi kanais-nais na bagay sa ating buhay, maging sa nakaraan at kasalukuyan, tayo ay kinakailangang sumailalim sa isang DETOXIFICATION. Sa tagalog – hindi ko po alam. Basta ito ang proseso ng pagtanggal ng mga hindi kanais-nais (toxins o lason) sa ating buhay. Ilan lamang sa mga detox method ay ang inyong mababasa. (hindi po mahalaga ang pagkakasunod-sunod.)
1 tumakbo sa barkada – wag tumakbo ng umiiyak. Tumakbo at magyaya ng gimik. Inuman, videoke, bilyar, darts, tambay, food trip o tamang kulitan lang.
2 wag mo sha tawagan, wag mo sha i-text – burahin lahat ng details niya sa phonebook mo at lahat ng pictures niyo sa phone mo. At wag mo isulat sa papel! No cheating!
3 wag mo sha pansinin – wag pansinin ang mga text niya, ang mga lambing na hindi mo usually matanggihan, at wag mo pansinin ang mga titig niya pag aksidente kayong nagkita! Delikado. Baka Mahulog ka lang ulit.
4 mag-tune in sa NU 107 - panigurado akong wala kayong theme song na ipapatugtog doon!
5 magtapon ng mga bagay na bigay niya – tanggalin sa pananaw ang kahit na anong magpapaalala sa kanya!
6 mag-shopping – bumili ng bagong damit para sa susunod na detoxification tip..
7 makipag-date sa iba – korek. Kaya kelangan mong mag-shopping. Makipag-date sa iba. Hindi na ata kelangan ng explanation nito.
8 dvd/movie marathon – humiga sa couch na para kang reyna, maglabas ng malaking bag ng potato chips at biggie iced tea. At mag-feeling reyna ka. Ayos!
9 burahin ang friendster account mo – nakakapanghinayang ang friends na nahanap mo dito, lalo nay ung mga long lost and found pero ganun talaga. Pinakamabuti ang wala kayon koneksyon, maski sa friendster!
10 i-libre ang mga magulang mo ng dinner – nakaka-relieve ang makikitang ngiti mula sa kanila. At least sila proud sayo!
11 magpaka-athletic – magswimming, mag-wall climbing, magjogging, magbasketball, magbadminton, magvolleyball, etc. mamamawala na sa isip mo, papayat ka pa. pwede ding magtaebo, magboogie at mag-cha-cha!
12 wag daanin sa sobrang kain, sobrang yosi at sobrang inom – lalo ka lang made-depress. Malaki na eyebags mo, ubos baga mo, malaki pa tiyan mo. Wag ganun.
Sure ball ang detoxification tips na ito. Tested. Proven. Hindi mo mamamalayan, ayos ka na. pagkatapos mo ng detox ay lumabas ka na sa bodega, magpagpag ng kamay at magliwaliw. Masarap mabuhay ng walang humahadlang sa gusto mong puntahan. KAHIT DI MO ALAM KUNG SAN KA PAPUNTA! Tara na, biyahe tayo! and intoxicate yourself with someone else! Ü
2 Comments:
14.) makinig ng "sa wakas" album ng sugarfree...yan talaga ang art of letting go... :)
15.) magpunta sa mga special na lugar ng nag-iisa para once and for all maalala mo siya.. para bukas di mo na siya maalala...law of averages..
16.) magfriendster palagi, tpos ilagay sa profile dun sa who i want to meet portion: "kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay"...if ever na mabrowse niya, implied na yun na mahal mo pa rin siya...
ayus!
sabi ko nga eh.
hehe. anonymous ka pa jan. as if hindi namin alam kung sino ka.hihihi....
you're so funny ah.. hehe..
Post a Comment
<< Home