SCROOGED
Naisip ko lang. diba bukod sa character si Ebenezer scrooge sa isang nobela, ang term na scrooged pwede mong gamiting adjective? Pag scrooged ka, walang ni isang kusing ng diwa ng pasko sa dugo mo. At hindi lang yun, ang tingin mo sa mga taong may Christmas spirit, over-acting.
Minsan naiisip ko ako. Ako ba? Scrooged ata ako. Hindi naman ako galit sa pasko at sa nire-represent nito. Nagsimula ako at nagtapos sa catholic schools. Ako mismo merong Christmas list at wish list. inisip ko din magsimbang gabi, although wala akong balak kumpletuhin. Pero other than that, wala lang.
pasko na.
and?! ...
Wala.
Pero paiba-iba din. Minsan, panahon din ng pasko tapos nagkataong in love ako nun. Nakakatawa. Tinext ko ba naman yun mga kaibigan ko nun ng . . .
“Ngayon ko lang na-appreciate ang Christmas lights at mga parol. Ang gaganda nila.”
Duh. Nakakatawa lang talaga! Feel na feel ko ang pasko nun. Galante ako nun sa mga nangangaroling. Mabait ako nun sa mga kaibigan ko. bukas loob akong nagbibigay ng pamasko sa mga claiming na inaanak ko na dun ko lang naman talaga nakita sa talambuhay ko. at nakangiti lang ako pag nagtetext.
Pero ngayong season na ‘to, hindi ganun. Parang normal na panahon lang para sa akin. hindi ako masaya pero at the same time, hindi rin naman ako malungkot. Hindi kaya ito ang resulta ng pagkaka-bato ko as buhay?
Hindi ako immorally scrooged, unintentionally scrooged lang.
meron ba nun? ewan ko. kumabaga sa queer eye for the straight guy.. ang mine-make over nila ay mga ‘unintentionally scary guys’. Sa ganung context ang pagiging ‘unintentionally scrooged‘ ko.
Pilit ko lang siguro binibigyan ng rationalization ang behavior ko. o in defense of myself na lang din siguro. Kase I’m not bitter about anyone or anything for that matter. Pero at the same time I am not elated with the christmas spirit.
So ano ako? Scrooged ba talaga ako?
Siguro.
Unintentionally.
2 Comments:
ha! ha! ha! wla lng natawa lng ako...wag ganyan!
bakit ka natawa? hehe..
Post a Comment
<< Home