...boo...

Monday, May 16, 2005

MINSAN MAY ISANG KAIBIGAN..

Ok naman kami noon. Hindi ko alam kung anong nangyari nitong mga nakaraang buwan at hinayaan nyang hindi kami mashadong magkasundo ng trip ngayon. Siguro hinayaan ko din kasi.

Malawak ang isipan ko pagdating sa ganitong bagay. Maaaring magbago ang isang tao. sa masmabuti. Sa masmasama. Minsan, wala dito sa dalawa. Dala lang ng alon ng buhay, nagbabago tayong lahat. Kailangang makisama sa ibang tao, kailangang makibagay sa ginagalawan nating mundo. Minsan, kailangan lang din talaga.

Hindi na ako bata. Naiintindihan ko lahat ng ito. Mejo nakaka-disappoint lang siguro. Mejo matagal na din nang nangyayari ang pagbabagong ito sa buhay ko. sa buhay niya. At sa buhay naming lahat na magkakaibigan. Kinaya naman. Ang sa akin, kung saan masaya ang isang kaibigan – susuportahan ko siya. Hindi ko kailanman binalak na maging hadlang sa isang bagay na ikasa-saya niya. Madalas yan marinig sa akin ng mga kaibigan ko – “kung saan ka masaya, masaya din ako.”

Kaya nga hindi ko na din ineexpect na bumalik lahat sa dati. Pero siguro naman walang masama kung paminsan minsan magkita-kita, pagkwentuhan at pagtawanan ang mga sarili. Paminsan lang naman. Kahit hindi minsan sa isang buwan. Kahit minsan lang sa isang semester. Ano ba naman yun diba? Nakaka-miss lang. namimiss niya kaya ako? Ang buong tropa?

Minsan naiisip ko, ayaw lang talaga magpakita sa akin nung kaibigan kong yun. Bakit kamo? Maaaring nararamdaman na din niyang nagbago na din ako. hindi na kase ako nagtetext kung hindi importante. Nakakasawa din naman magtext sa taong hindi sumasagot. So wag na lang diba? Hindi ko binabato lahat sa kanya. Ako mismo, inaamin ko, nagbago na din.

Minsan may isa akong kaibigan. Pero sana hindi dito nagtatapos ang kwento kong ito. Sana bukas, sa makalawa, sa mga susunod na buwan, magkaron siya ng oras at makipagtawanan ulit sa amin. Yun tipong labas lahat ng bituka namin sa kakatawa. Kahit minsan lang.

6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

oist. sino to? wento naman jan!!

3:18 PM  
Anonymous Anonymous said...

ako pala yung unang nagcomment..hehe.. --paras

3:19 PM  
Anonymous Anonymous said...

parang kilala ko to.... hmmm.... na-inlove nba ko d2 sa taong tinutukoy mo????

8:53 AM  
Blogger melay / carme said...

secret! hehe..

8:27 PM  
Anonymous Anonymous said...

uy lola, nag-text ka sken ala nmang nangyari pag nag scroll down ka. clue ba yon sa taong to???? dahel ba alang nagyare pag nag scroll down ka ibig sbihin wala rin eto? Or clue ba iyon sa kung sino isasama mo sa tagaytay. ewan ko...

5:22 AM  
Anonymous Anonymous said...

'Nakakasawa din naman magtext sa taong hindi sumasagot.'

----> Bukod sa nakakasawa! Masakit! kpag hindi sumagot ang tinext mo! diin sa kaibuturan!

3:37 AM  

Post a Comment

<< Home

Cursor by www.Soup-Faerie.Com