KAMOT ULO
I’m sure at some point nararanasan natin lahat ito. O ako lang? haha. Hindi ko alam. Umabot na ba kayo sa point na hindi niyo na alam ang gagawin niyo? Parang nagawa niyo na lahat, as in sagad ka na. hindi ka naman pagod. Parang hindi mo na lang alam kung ano pang gagawin mo para makuha yun gusto mo. Iba yun pagod sa naubusan ka na ng paraan eh. Parang “ano pa bang kailangan kong gawin? Ano pa?!!!”
Minsan sinabi ko sa isang kaibigan ko: “para lang yang lumalaban sa giyera. Hindi ka pwedeng lumaban ng watergun lang ang dala mo. Kelangan may baon kang mga bala. At gamitin mo ang mga bala mo wisely.” Well, at this point, naubusan na ako ng bala. Is this a sign that I should retreat?
Parang kase ngayon, nakatayo na lang ako. nagkakamot ng ulo. Then what? Shoot me. I am good as dead.
Pero karamihan naman ng tao, ang sabi sa akin, hindi naman ako bumabaril. Kumbaga, I am not putting up a good fight daw. But I am, I swear to God, I am! Mahirap lang patumbahin ang kalaban. Ako nga ba ang napatumba? Excuse me. Grabe ang fighting spirit nito. Laban kung laban. Bring it on.
Pero hayaan mo muna akong tumayo dito at magkamot ng ulo. Nag-iisip pa ako ng game plan. Wait lang…
3 Comments:
mga kabayan, dalawin nyo naman ang aming bagong site...
http://pinoyski.ezbbforum.com
[IMG]http://i116.photobucket.com/albums/o36/chicham_libogski/ppp-3.jpg[/IMG]
[IMG]http://i116.photobucket.com/albums/o36/chicham_libogski/ppp-3.jpg[/IMG]
Okay. Ngayon ko lang nabasa :)) Ang DRAMA mo :p Haha. Tama na ang drama, andito na si Darna. ---Which, by the way, is ME! :D Haha. Mwahuggg!
Post a Comment
<< Home